Matatanggap sa Smart Virtual Number ang one-time passwords (OTP) at notification messages para ma-authorize at maprotektahan ang iyong Philippine online transactions habang nasa ibang bansa ka.
Magagamit din ito sa oras ng emergencies o pangangailangan habang nasa abroad. Gamit ang Smart Virtual Number, makakatawag nang libre sa OWWA Helpline 1348 at sa 1343 Actionline Against Human Trafficking.
Pwede ka ring i-text o tawagan ng iyong pamilya sa Pinas sa iyong Smart Virtual Number, kahit na wala silang access sa internet.
Kung gagamitin mo ang iyong Smart Virtual Number para mag-register sa mga third-party apps mula sa Pilipinas, siguraduhing meron kang active SVN subscription plan para patuloy kang may access sa Smart Virtual Number at patuloy na maka-receive ng OTPs at service notifications.
- I-download ang TinBo app sa Google Play o App Store.
- Mag-register ng account sa TinBo app. Pwede ring mag-register sa TinBo website: www.tinbo.ph
- I-click ang Get SVN sa TinBo home page at sagutan ang mga hinihinging detalye.
- Kapag meron nang Smart Virtual Number, i-click ang Activate button sa home page.
- Mag-SIM register at kumpletuhin ang required details para magamit ang Smart Virtual Number.
Available sa TinBo ang SVN subscription plans for 30 Days, 6 Months, at 1 Year.